Security measures para sa Holy Week aprub kay Duterte

Duterte Peru2Kuntento si pangulong Rodrigo Duterte sa ikinasang preparasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dahil sa kampante sa seguridad, tuloy ang pag-alis ngayong hapon ng pangulo para sa state visits sa mga bansang Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.

Gayunman, sinabi ni Abella na nais pa rin ng pangulo na Makita ang resulta ng maayos na prparasyon ng Philippine National Police at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Sa ngayon aniya nasa heightened alert status ang PNP at AFP at nakatutok sa mga paliparan, pier at iba pang transportation hubs para masiguro ang seguridad ng mga pasahero na mag-uuwian sa iba’t ibang probinsya ngayong Holy Week.

Sinabi rin ng pangulo na hindi niya pinapansin ang travel advisory na inilabas ng U.S dahil mas mahalaga sa kanya ang kaligtasan ng mga Pinoy.

Bukod sa PNP at AFP, naka-alerto rin ngayon ang buong pwersa ng Philippine Coast Guard, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at iba pa kaugnay pa rin sa paggunita sa Semana Santa.

Read more...