Pilipinas hindi sasabak sa giyera sa China sa pagpunta ng pangulo sa WPS

west-ph-seaTiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pagmumulan ng gulo kung sakaling matuloy ang kanyang pagpunta sa Kalayaan Island sa Palawan na bahagi ng mga pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea.

Ipinaliwanag ni Duterte na personal niyang inatasan ang Armed Forces of the Philippines na bantayan ang mga islang nasa kontrol ng Pilipinas.

Hindi umano hangad ng pangulo na sirain ang magandang pagkakaibigan sa ngayon sa pagitan ng China at Pilipinas.

Kanyang sinabi na gusto lamang niyang mabantayan ang mga deklaradon teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Nilinaw rin ng Commander-in-Chief na hindi maglalagay ng mga gamit pandigma ang bansa sa nasabing mga isla.

Samantala, muli ring binanggit ng pangulo na kanyang isusulong na mapalitan ang pangalan ng Benham Rise bilang Philippine Ridge.

Read more...