Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, maaaring bago ang Lenten break ay mailabas na ng kagawaran ang legal opinion nito.
Noong nakaraang linggo, binuo ni Aguirre ang isang legal team na pinamumunuan ni Chief State Counsel Ricardo Paras III para silipin ang 25 taong joint venture agreement ng Bucor sa Tadeco sa pag-upa ng 5,300 ektarya ng Davao prison and penal farm.
Kabilang sa nasabing legal team ay sina Technical Staff Director Ma. Charina Buena-Dy Po, State Counsels Precious Pojas, Melvin Suarez, Noel Adriatico at Catherin Angela Maralit.
Matatandaang kwinestiyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang naturang deal dahil sa umano’y pagkakaroon ng anomalya nito.
Iginiit ni Alvarez na dehado ang gobyerno sa naturang kasunduan kung saan ay nasa P25.464 billion pesos ang mawawala dito.