Base sa SWS survey na isinagawa noong March 25 hanggang 28, nakakuha ang pangulo ng +63 na rating na kapareho lamang noong December 2016 at +64 noong September 2016.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, pinahahalagahan ng pangulo ang public trust para maisulong ang interes ng publiko at tiyakin na karapat dapat na maging ligtas ang Pilipinas para sa mga Filipino.
Sinabi pa ni Abella na bagama’t hindi prayoridad ang mga survey, nanatiling top agenda ng pangulo na labanan ang ilegal na droga, kriminalidad at korupsyon.
“Although surveys are not his priority it inspires the Chief Executive and the national leadership to continue its top agenda of ridding Philippine society of drugs, criminality, and corruption, or building a trustworthy government; prosperity for all; and peace within our borders.
We value this public trust, and will continue to work hard to serve the best interests of the people – and fulfill the vision of a nation worthy of the Filipino people,” pahayag ni Abella.