NGCP, itinaas ang yellow alert sa Luzon grid

ngcp yellow alert
NGCP’s FB page

Isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow alert status ang Luzon grid.

Ito ay dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Sa isang advisory sa kanilang Facebook page, sinabi ng NGCP na simula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon itataas ang yellow alert sa Luzon grid.

Ayon pa sa abiso, aabot sa 9,515 megawatts ang available capacity ng Luzon grid, habang 8,926 MW ang peak demand.

Read more...