Ayon kay Robredo, magaganap ang dinner pagkatapos ng Holy Week o Semana Santa.
Pero hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Robredo ukol sa petsa at kung saan gagawin ang naturang dinner.
Una nang sinabi ng bise presidente na kasama niya ang kanyang tatlong anak sa dinner, kung saan kasama naman ng pangulo ang kanyang pamilya.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay inimbitahan ni Duterte si Robredo para sa isang dinner sa kabila ng banta ng pagpapa-impeach sa dalawang lider ng bansa.
Pero marami ang bumatikos sa naturang imbitasyon ni Duterte, kabilang na si Sen. Antonio Trillanes IV na nagsabing isang patibong o trap lang ito ng pangulo para madisarmahan ang pangalawang pangulo.