Phivolcs, pinawi ang pangamba ng publiko na magbabakasyon sa Batangas ngayong Holy Week

PHIVOLCS RENATO SOLIDUM
Photo: Cebu Daily News

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang pangamba ng publiko na planong magbakasyon sa Batangas ngayong Holy Week break kasunod ng pagtama ng sunud-sunod na malalakas na lindol sa lalawigan.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, makakapag enjoy ang mga turista at hindi dapat matakot sa pagpunta sa Batangas dahil sa naganap na lindol.

Ang dapat lang aniyang pairalin ang pagiging mag-ingat.

Tiniyak ni Solidum na hindi na magdudulot ng mas malakas na pagyanig ang fault na nakita sa Mabini peninsula na naging dahilan ng naunang lindol sa lalawigan ng Batangas.

Sinabi pa ng opisyal na naitala ng Phivolcs ang mahigit 1,000 aftershocks simula nang tumama ang magnitude 5.5 na lindol sa Tingloy Island noong nakaraang Martes, pero karamihan dito ay hindi naramdaman.

Simula alas diyes kagabi hanggang kaninang alas otso ng umaga, ang pinaka malakas na lindol na naitala ng Phivolcs sa Batangas ay magnitude 3.1.

Itinanggi din ni Solidum na ang paggalaw ng naturang fault sa Mabini ay magiging sanhi ng paggalaw ng West Valley Fault, na pinangangambahang magdudulot ng magnitude 7.1 na lindol o ang tinatawag na “The Big One” sa Metro Manila.

Read more...