Sinait, Ilocos Sur at Catarman, Northern Samar niyanig ng lindol

ILOCOS SUR LINDOLNiyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Sinait, Ilocos Sur.

Batay sa datos ng Phivolcs, naganap ang pagyanig kaninang 8:18 ng umaga sa 13 kilometers West ng Sinait.

Ang lindol, na tectonic ang origin, ay may lalim na 22 kilometers.

Dahil dito, naitala ang Intensity 3 sa Vigan, Sinait at Bantay sa Ilocos Sur.

Bukod dito, naitala rin ang Instrumental Intensity 1 sa Laoag at Pasuquin sa Ilocos Norte, at Vigan sa Ilocos Sur.

Wala naman inaasahang aftershocks o pinsala na maidudulot ang nasabing pagyanig.

Samantala, makalipas ang ilang minuto, niyanig naman ng magnitude 4.5 ang Catarman, Northern Samar.

Batay pa rin sa datos ng Phivolcs, naganap ang pagyanig sa 109 km East ng Catarman kaninang 8:43 ng umaga.

May lalim na 26 km ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala naman ang Intensity 2 sa Catarman, Northern Samar at Cabid-an, Sorsogon.

Pero wala din inaasahang pinsala at aftershocks na idudulot ang nasabing lindol.

Read more...