‘Ang pagtanggap kay Hesus ay pagtanggap sa mga mahihirap at inaapi’-Tagle

 

Marianne Bermudez/Inquirer

“Ang pagtanggap sa tunay na Panginoong Hesukristo ay pagtanggap sa presensya Nito sa hanay ng mga mahihirap at inaapi.”

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang homily sa misa kahapon sa Linggo ng Palaspas sa Manila Cathedral.

Ayon kay Tagle, ang mga palaspas ay sumisimbolo ng pagtanggap ng mga Katoliko kay Hesus.

Kaya’t upang ganap na matanggap ang Panginoon, dapat ay tanggapin rin ng mga ito ang mga inaapi at mga mahihirap na kalimitang hindi pinapansin ng lipunan.

Ang tunay na Hesus aniya ay ang mga taong nagpapakita ng pagpapakumpababa, dagdag pa ng Kardinal.

Kahapon, ginunita ng milyun-milyong mga Katoliko ang Linggo ng Palaspas o ‘Palm Sunday’ na sumisimbolo ng pagdating ni Hesus sa Jerusalem at hudyat ng kanyang ‘Kalbaryo’.

Read more...