Hinimok ni Sen. Sonny Angara ang mga Pilipino na magpahinga muna mula sa kanilang mga pinagkakaabalahan ngayong Semana Santa.
Kasabay nito ay umaapela si Angara sa kaniyang mga kasamahan at sa mga pinuno ng gobyerno ng isang linggong ceasefire.
Ito aniya ang panahon para sa lahat na umiwas sa pamumulitika, hindi pagkakasunduan at pag-aaway na nagsasanhi lang ng hidwaan sa mga bansa.
Samantala, hinimok naman ni Sen. Leila de Lima ang mga nananampalataya na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa mga biktima ng injustice sa bansa.
Ipinagdarasal din ni De Lima na magabayan sa tamang paraan ng pamamahala ang mga pinuno ng bansa, para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
MOST READ
LATEST STORIES