Naganap ang pag-atake sa Coptic Christian church sa Nile Delta sa bayan ng Tanta, na punung-punong mga deboto.
Sa ilang mga litrato na kumalat sa social media, makikita ang maraming bilang ng mga duguan at patay na tao, ang iba’y tinakpan na ng mga papel.
Sa Egypt, tinatayang nasa sampung porsyento ang mga Christian.
Isa rin ang Egypt sa mga bansa sa buong mundo na tinatarget ng Islamic extremists.
Mariin namang kinondena ni Pope Francis ang panibagong pag-atake, lalo’t nangyari ito sa Araw ng Palaspas.
Bago ito, nagpasabi na ang Santo Papna dadalawa sa Cairo sa mga darating na araw.