Cabin crew ng isang Turkish Airlines flight, nagpaanak ng pasahero habang nasa biyahe

TURKISH AIRLINE
Photo: Turkish Airline’s FB account

Nagawang paanakin ng isang cabin crew ng Turkish Airlines ang isa sa mga pasahero nito na buntis.

Habang sa gitna ng biyahe patungong Burkina Faso, nakaranas ng pananakit ng tiyan ang 28-week-old pregnant na pasahero na nakilalang si Nafi Diaby.

Sa pahayag ng Turkish Airlines, nakasaad na agad na rumesponde ang isa sa kanilang cabin crew kay Nafi para tulungan ito sa kanyang panganganak.

Tumulong din ang iba pang pasahero pagsisilang sa sanggol, na kalaunan ay pinangalanang “Kadiju”.

Ibinahagi ng Turkish Airlines sa kanilang social media page ang pambihirang pangyayari, at papuri sa ina ng bagong silang na baby girl.

Pagkalapag ng eroplano, agad na dinala si Nafi at ang kanyang baby girl sa isang ospital.

Umani naman ng papuri ang ginawang pagtulong ng nasabing cabin crew na hindi na isinapubliko ang pangalan.

Read more...