Mabini, Batangas, muling nilindol

latest quakeMuling niyanig ng halos magkasunod na lindol ang Mabini, Batangas bago magtanghali, ngayong araw ng Linggo (April 9).

Batay sa PHIVOLCS, naitala ang 3.9 magnitude na lindol sa Mabini, dakong 11:14 ng umaga.

May lalim itong 25 kilometers at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity IV sa Tingloy, Batangas; Intensity III sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at Intensity II sa San Teodoro, Oriental Mindoro.

11:18 ng umaga, naitala naman ang magnitude 3.4 na lindol sa Mabini, Batangas din.

Naramdaman ang Intensity III na pagyanig sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Sa kabila ng mga lindol, wala namang naiulat na pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...