Inilarawan ng North Korea na isang “unforgivable act of aggression” o walang kapatawaran na pag-atale ang missile strikes ng Amerika sa Syria.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglabas ng pahayag ng North Korea simula nang maglunsad ang US warships sa Meditteranean Sea ng dose-dosenang missiles sa isang Syrian air base.
Paniniwala ng Pentagon, sangkot ang naturang Syrian air base sa naganap na chemical weapons attack kamakailan.
Ayon sa foreign ministry ng NoKor, ang naging hakbang ng US ay nagpapakita na tama ang kanilang desisyon na ipagpatuloy ang paggawa ng mga nuclear weapon.
Kasabay nito, mariing kinokondena ng North Korea ang naturang missile attack ng US laban sa Syria.
Itinuturing na key ally ng North Korea ang Syria, at sa katunayan ayon sa KCNA news agency, napagkasunduan ng kanilang leader na si Kim Jong-un at Syrian leader Bashar al-Assad na mas pagtibayin ang pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa.