Linggo ng Palaspas, ginugunita ngayong araw

Palaspas -Rouelle Umali
FILE PHOTO

Ngayong araw ginugunita ang Araw ng Palaspas o Palm Sunday.

Libu-libong katoliko sa buong bansa ang nagtungo sa mga simbahan para sa paggunita ng Araw ng Palaspas, na tanda ng pagsisimula ng Semana Santa.

Hindi nawala ang pagdadala ng palaspas sa simbahan kung saan binebendisyunan bago matapos ang misa.

Ito na ang pagsisimula ng pagpapahirap kay Hesus Kristo bago siya ipako sa Krus.

Batay sa tradisyon, ang Araw ng Palaspas ay pag-alala sa pagpasok ni Hesus Kristo sa Jerusalem kung saan nagbunyi ang mga Hudyo habang winawagayway ang palaspas sa kanyang dinaraanan.

Ang pagpasok ni Hesus Kristo sa Jerusalem ay ang pagsisimula ng kanyang “Passion, Death at Resurrection”.

Read more...