Nagpasya na ang ilang residente ng Mabini, Batangas na magpalipas ng gabi sa plaza dahil sa takot sa patuloy na
aftershocks matapos ang magkasunod na malakas na lindol na tumama sa munisipalidad.
Nasa hindi bababa sa 20 pamilya ang nasa Plaza Mabini ngayon na karamihan ay mga residente mula sa mga
coastal barangay na nangangamba din sa posibilidad ng tsunami.
Hindi rin nakatulong ang mga kumakalat na balita sa mga residente tungkol sa posibilidad nga mas malakas na
lindol.
Ayon kay Aling Cristeta Reyes, residente ng Brgy. Gasang Sentro:” mas kaunti ang mga nagsilikas sa plaza ngayon
kumpara sa lindol noong nakaraang martes dahil yung iba ay mas pinili na magsilikas sa bundok dahil nga takot sa
ng tsunami.”
Ayon kay Mabini Mayor Noel Bitrix Luistro, umaabot sa kabuuang dalawang libo ang kanilang evacuees.
Yung iba mas pinili na manatili sa kani-kanilang bahay kaya binigyan na lamang ang mga ito ng mga pagkain at
tubig.
May mga naitala din silang landslide sa San Teodoro habang mahigpit nilang sinusubaybayan ang lima pang
barangay sa delikado sa paggalaw ng lupa.
May mga gusali at imprasktratura na bahagyang nasira dahil sa lindol kabilang ang isang resort, ang Mabini
General Hospital at ang Anilao Market.
Tiniyak naman ni Mayor Luistro na mabibigyan ng ayuda ang mga apektado nitong residente.
Pinag-aaralan na rin ng konseho ang pagdedeklara ng state of calamity para makapagbaba sila ng tulong sa
kanyang mamamayan.