Lindol, nagdulot ng panic at pagkawala ng kuryente

Kuha ni Alvin Barcelona
Kuha ni Alvin Barcelona

Nagdulot ng panic sa mga taong nasa mall at iba pang establisiyemento ang sunud-sunod na malalakas na lindol sa lalawigan ng Batangas.

Kaugnay nito, nagkaroon ng pagkawala ng kuryente dahil sa mga naganap na lindol.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga naturang lindol ay naitala sa mga bayan ng Mabini at San Luis kung saan naramdaman ang magnitude 6 na pagyanig.

Nasundan pa ito ng mga mahihinang lindol sa parehong lugar.

Ayon kay Phivolcs head Renato Solidum na ang naturang insidente ay tinatawag na “earthquake swarm”.

Lahat aniya ng naitalang lindol ay tectonic ang origin.

Nilinaw din niya na walang tsunami alert.

Naramdaman ang lindol sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at maging sa Mindoro,
Marinduque, Romblon at Palawan.

Read more...