kaugnayan sa Islamic State.
Nasa kustodiya na ng AFP Intelligence Service Group sa Fort Bonifacio, Taguig sina Husayn al-Dhafiri na mula sa Kuwait at Rahaf Zina na mula naman sa Syria.
Pinanguhan ni Maj. Jonathan Escopalao ang ginawang pag-turn over ng dalawa sa AFP.
Una dito, nasa pangangalaga ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa kasunod ng pagkakaaresto ng mga ito.
Hinihinalang may kaugnayan si Al-Dhafiri sa paggawa ng mga pampasabog at tinukoy na isang Islamic State
middle-level leader at kapatid ng isang dating lider ng Islamic State na ngayon ay patay na.
Habang si Zina naman ay iniulat na dating asawa ng isang dating second in command leader ng nasabing grupo at nasa na nasa apat o limang buwang buntis ito.