Usapin sa sahod ng immigration officers, siniguro ni Aguirre na matutugunan sa lalong madaling panahon

naia immigrationSiniguro ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na tutugunan
niya sa lalong madaling panahon ang usapin ng overtime pay at dagdag-sahod ng mga ito.

Kahapon, nakipagpulong ang Kalihim sa immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal
3.

Pinaalalahanan din ni Aguirre ang mga ito sa kanilang sinumpaang tungkulin na pagsilbihan ang publiko
professionally at nang may integridad.

Samantala, naglibot din ang kalihim sa NAIA Terminal 3. Naniniwala ang si Aguirre na handa na ang BI sa nalalapit
na Holy Week at ASEAN 2017sa kabila kakulangan ng tauhan ng immigration.

Read more...