Dalawang magkahiwalay na lindol naitala ng USGS sa Southern Luzon

Batangas quake3Dalawang magkasunod na lindol ang naitala ng U.S Geological Survey sa lalawigan ng Batangas kaninang 3:08 at 3:09 ng hapon.

Ang unang naganap na lindol ay naitala kaninang 3:08 ng hapon ay may lakas na na lindol na magnitude 5.7 sa East Northeast ng Balagat (Mabini, Batangas).

Ang ikalawang pagyanig ay naganap makalipas lamang ang isang minuto (3:09PM) sa South Southwest ng Talaga Island sa lalawigan rin ng Batangas sa lakas na magnitude 5.9 na .

Parehong tectonic o paggalaw ng fault ang pinagmulan ng nasabing mga pagyanig.

Mas malakas ang naitalang pagyanig ng USGS kumpara sa magnitude 5.6 ng Philvocs.

Sinabi ni Philvocs Director Renato Solidum na isang local fault ang siyang naging source ng pagyanig na matatagpuan sa bayan ng Mabini, Batangas.

Kadalasang minomonitor ng Philvocs ang kundisyon ng Taal volcano kapag nagkakaroon ng lindol sa Southern Tagalog Region.

Pero sa naganap na lindol noong nakalipas na araw ay wala namang naitalang epekto ang Philvocs sa nasabing bulkan.

Read more...