Sunud-sunod na aftershocks naramdaman pagkatapos ng lindol sa Batangas

Batangas quake2
Photo: Dianne Mortel

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sunud-sunod na aftershocks ang nararamdaman ngayon sa ilang lugar sa Southern Luzon partikular na sa lalawigan ng Batangas.

Pinayuhan rin ng NDRRMC publiko na lisanin muna ang mga tabing-dagat partikular na ang mga beach para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan na standard operating procedure na rin ang pagpapalikas sa mga nakatira sa mga coastal barangays para sa kaligtasan ng publiko bagaman wala namang itinataas na tsunamin alert ang Philvocs.

May mga impormasyon na rin na nakuha ang ahensya kaugnay sa ilang mga bahay at mga gusali na bahagyang nagkaroon ng pinsala dulot ng naganap na lindo pasado alas-tres ng hapon kanina.

Sa ngayon ay wala pang natatanggap na ulat ang NDRRMC sa kung may namatay ba o nasaktan sa naganap na pagyanig.

Read more...