Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, sa unang pagtaya ay sapat na ang bilang na ito para magbantay ng seguridad sa kasagsagan ng paggunita ng Semana Santa at pagdagsa ng mga pasahero sa iba’t ibang pampublikong terminal ng bus, paliparan at pantalan.
Bagaman mas mataas umano ang nabanggit na bilang kumpara sa 68,000 na pulis na ipinakalat sa buong bansa noong isang taon sa parehong panahon.
Giit ni Carlos, manggagaling lamang sa intelligence report o information ang go signal kung may pangangailangan pa sa dagdag na pwersa.
Ayon pa kay Carlos, wala pa naman silang natatanggap na credible threat sa seguridad sa bansa, sa kabila ng pagkakaaresto ng dalawang hinihinalang miyembro ng Islamic State group sa Taguig kamakailan.
Sa ngayon, nananatili sa full alert ang status ang PNP.