Aguirre, bukas sa panawagan ng IPU na magkaroon ng fact-finding mission sa kaso ni De Lima

De-Lima-Vitaliano-AguirreBukas si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa panawagan ng Inter-Parliamentary Union (IPU) na magsagawa ng fact-finding mission na siyang tututok sa mga kasong may ilegal na droga na isinampa ng Duterte administration laban kay Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Aguirre, ito ay para makita ng IPU na isa talagang drug protector si De Lima at na walang political persecution laban dito.

Dagdag pa niya, dapat sumailalim ang mga ito sa mga batas o limitasyon na maaring ipataw ng pamahalaan sa naturang misyon.

Sa kasalukuyang wala pang petsa ng pagbisita ang IPU Committee on Human Rights of Parliamentarians pero nakatuon ang ito sa pagpapadala ng kinatawan para obserbahan ang kasong nakasampa sa Muntinlupa City Regional Trial Court.

Ang naturang panawagan ay gina ng IPU sa closing day ng kanilang ika-136 assembly na idinaos sa Dhaka, Bangladesh.

Read more...