De Lima, tiwala na magiging patas ang fact-finding mission ng IPU sa kanyang kaso

de limaTiwala si Sen. Leila De Lima na magiging patas ang pagtingin ng Inter-Parliamentary Union (IPU) sa kanyang kaso.

Sa kanyang pahayag na naka-post sa wesbite ng Senado, sinabi ni De Lima bukas siya sa resolusyon ng IPU na pagsasagawa ng fact-finding mission sa Pilipinas para magkaroon ng mas malinaw na pagtingin sa kanyang kaso.

Dagdag pa niya na bukas din ito kay Senate President Aquilino Pimentel III at siya ay umaasa na magaganap ito sa lalong madaling panahon.

Pinasalamatan din ng senador ang liderato ng IPU para sa pagbibigay atensyon sa kanyang kaso.

Habang sa kanyang sulat kamay na pahayag mula sa kanyang detention facility Camp Crame na siya ay lubos natutuwa sa naging panagawan ng IPU.

Read more...