State visit ni Duterte sa Middle East, kasado na

Duterte October11Biyaheng Middle East si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na Linggo.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Hjayceelyn Quintana na pawang state visit ang pagbisita ng pangulo sa Kingdom of Saudi Arabia sa April 10 hanggang 11, Kingdom of Bahrain sa April 12 hanggang 13 at State of Qatar sa April 14 hanggang 16.

Ayon kay Quinatana, target ng pangulo na makapag -uwi ng 500 dollar investment capital na ibubuhos sa rehiyon ng Mindanao.

Dagdag ni Quintana na kasama din sa agenda ng pangulo ang makakuha ng partnership sa tourism development, halal food security at energy security mula sa tatlong bansang bibisitahin nito sa susunod na linggo.

Read more...