Nananawagan ngayon ng tulong ang mga residenteng nasunugan sa Vargas St., Jose Abad Santos, Tondo, Maynila.
Kwento ng mga nasunugang residente, tanging almusal na lomi pa lamang ang naibibigay sa kanila sa mga oras na ito.
Pero nangako naman umano si Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Honey Lacuna ng karampatang tulong sa mga pamilyang nasunugan.
Kanya-kanyang hakot naman ang mga residente ng mga bagay na maari pang mapakinabangan mula sa nasunog nilang mga tahanan.
Nagsasagawa na rin ngayon accounting ang pamahalaang lungsod ng Maynila at namamahagi ng family cards para sa mga nasunugan.
As of 8am, out of 100 families, 42 pamilya na ang nailista ng Manila Department of Social Welfare.
Ang mga nagpalista lamang na pamilya ang mabibigyan ng tulong ng pamahalaang lungsod.
Matatandaang umabot sa Task Force Alpha ang sunog dito sa J. Vargas Street kahapon na inabot ng ilang oras bago tuluyang naapula.