Panukalang batas sa pagbabawal sa ‘recycled’ na mantika, inihain

cooking oilInihain sa Kongreso ang panukalang pagbabawal sa pagbebenta ng mga gamit na mga mantika.

Ito ang House Bill 814 o “Anti-Used Cooking Oil Act” na inihain ni Ako Bicol Party-list Representatives Rodel Batocabe, Alfredo Garbin at Christopher Co.

Suportado ng Department of Health (DOH) ang naturang panukala.

Kaugnay ito ng mga ulat na ibinebenta sa mga pamilihan ang mga ‘recycled’ na mantika sa murang halaga.

Kinakailangan din ang pag-ban dito dahil ang muling pag-iinit ng mga gamit ng mantika ay may dalang panganib sa kalusugan.

Ayon sa mga may-akda na nasabing panukala, itay maaring magdulot ng hypertension, pinsala sa atay at maging cancer.

Kapag naipasa nasa P10,000 hanggang P50,000 ang multa sa sinumang mahuhuling nagbebenta mga gamit na cooking oil.

Maari lang maibenta ang mga gamit na mantika kung ito para sa ‘industrial purposes’ kabilang ang homemade biodiesel fuel, lubricant, soap-making at weather-proofing para sa exterior woodwork.

Read more...