Duterte, planong palitan ang BRP Sierra Madre ng luxury liner

brp sierra madreBalak ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang bulok at kinakalawang na BRP Sierra Madre na naka-istasyon sa Ayungin shoal.

Ayon sa pangulo, isang luxury liner ang kanyang ilalagay na barko para ipangtapat sa mga barko ng China na pilit na nang-aagaw ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Pabiro pang sinabi ng pangulo na lalagyan niya ang luxury liner ng waiter, pagkain at swimming pool para tumaba ang mga nagbabantay na sundalo.

Una rito, inatasan na ng pangulo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na okupahan ang mga isla sa West Philippine Sea na sakop ng Pilipinas.

Balak din ng pangulo na magtungo sa Pag-asa Island sa Independence Day para magtayo ng watawat ng Pilipinas.

Read more...