Jalosjos, humihiling ng ‘absolute pardon’ para makatakbo sa eleksyon

romeo-jalosjosHumihingi ng ‘absolute pardon’ ang convicted child rapist na si dating Zamboanga Del Norte Congressman Romeo Jalosjos.

Ito ay para muli siyang makatakbo sa eleksyon sa 2019.

Batay sa listahan ng Board of Pardons and Parole, si Jalosjos ay kabilang sa 36 na convict na humihiling ng executive clemency mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinalaya si Jalosjos mula sa New Bilibid Prison noong March 2009 matapos ang 12 taong pagkakakulong dahil sa panggagahasa sa 11 taong gulang na babae.

 

Read more...