US, naglunsad ng military strike laban sa Syria

syria-mapNaglunsad ng military strike ang US sa Syria kasunod ng chemical weapons attack sa mga sibilyan sa naturang bansa.

Sa utos ni US President Donald Trump ay nagpakawala ng nasa 50-60 Tomahawk cruise missiles ang mga warship ng US sa isang airbase ng Syria kung saan nakabase ang mga warplanes na naglunsad ng chemical attack.

Ayon sa isang opisyal ng US defense, puntirya nito ang runway, aircraft at mga fuel points.

Inilunsad ang naturang missiles mula sa mga warship ng US sa Eastern Mediterranean.

Ang nasabing strike ay ang unang direct military action na isinagawa ang US laban sa pamunuan ni Syrian President Bashar al-Assad sa anim na taong civil war nito.

Ayon sa isang senior administration official, lubos na naapektuhan si Trump sa mga larawan ng mga namatay na bata kung kaya kinailangan nito gumawa ng aksyon.

Read more...