Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, makikipagpulong siya sa mga miyembro ng komite upang desisyunan na ang affidavit at counter-affidavit.
Ito’y para hindi na rin aniya makadagdag sa mga problema sa Senado, pati na rin sa senadora at sa Kamara.
Aniya pa, sa tingin niya ay makakabuo na sila ng desisyon pagbalik nila mula sa kanilang Holy Week break na matatapos sa May 2.
Dagdag pa ni Sotto, masyado nang maraming bumabatikos sa tagal ng kanilang proseso kaya aapurahin na nila ito.
Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang isampa nina House Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang nasabing reklamo laban kay De Lima.
May kaugnayan ito sa pagpigil nito sa kaniyang dating driver at karelasyon na si Ronnie Dayan na dumalo sa pagdinig sa Kamara tungkol sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.