Sa liham na ipinadala nila kay Trillanes, humingi ng paumanhin ang AMLC dahil hindi nila ito maaring gawin sapagkat hindi ito pinahihintulutan sa ilalim ng Bank Secrecy Law.
Paliwanag ng AMLC, lahat ng mga transaksyon sa bangko ay mananatiling “absolutely confidential” at hindi maaring ibigay sa sinuman kahit pa ito ay opisyal ng gobyerno, kawanihan o anumang opisina.
Dagdag pa ng AMLC, bagaman mayroon silang kapangyarihan na magsagawa ng bank inquiry, nakasaad sa Anti Money Laundering Act of 2001 na maari lang nila itong gawin para sa imbestigasyon ng aktibidad na labag sa batas, o kaya ay money laundering.
Kung wala naman sa mga nabanggit na sitwasyon ang dahilan, hindi sila maaring magsagawa ng bank inquiry, at hindi nila maaring kunin ang mga bank records o transactions ng ninuman.