(Updated) Tumayo bilang magulang si Lt. Col. Harold Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion, para sa graduation ceremony ni Hafra Macadatar, isang estudyanteng Muslim, sa Palumbe Elementary School sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat mamaya.
Ito ay matapos mapatay ang sundalong ama nito na si Corporal Tamano Macadatar ng 524th Engineer Construction Battalion, nang umatake ang siyam na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ginagawang peace and learning facility sa Barangay Tukanalipao sa Mamasapano, Maguindanao noong Martes.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Cabunoc, nagpaalam si Macadatar sa kanyang commanding officer na si Lt. Col. Maynard Camarao noong April 4 para makadalo sana sa graduation ng kanyang anak.
Aniya nakakatuwa na dumadami ang mga nagpapaabot ng tulong sa kanila kung kung saan ang iba ay mula pa sa Germany at Australia.
Dagdag pa ni Cabunoc na otomatikong scholar na ang anak ni Macadatar sa AFP Educational Benefits System Office.
kolehiyo.
Kaugnay nito, pangarap ni Hafra na maging isang guro na ayon kay Cabunoc ay magtatapos sa kolehiyo sa taong 2027.
Ayon pa kay Cabunoc ang hiling ng anak ni Macadatar sa kanyang ama ay ang pagkakaroon ng isang simpleng celphone na kanyang tutuparin.
Bukod pa dito, sinabi rin Cabunoc na first honor din ang bunsok anak ni Macadatar.
Hindi naman makakadalo ang ina ng trese anyos na estudyante dahil nagtatrabaho ito sa Kuwait.
Samantala, nakatakas naman ang suspek at walong kasamahan bago pa nakaresponde ang mga pulis sa insidente habang sa kasalukuyan ay wala namang banta sa probinsya ng Sultan Kudarat ngunit nanatili pa rin ang mga sundalo na nakaantabay./Rod Lagusad/Angellic Jordan
Excerpt: Dumalo si Lt. Col. Harold Cabunoc sa graduation day ng anak ng namatay na sundalo sa Maguindanao.