Joma Sison walang karamdaman ayon sa kanyang anak

joma-duterte-0510
Inquirer file photo

Nasa maayos na kundisyon na ang kalagayan ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison.

Ito ang tugon ni Joy Alcantara, isa sa mga anak ng lider ng komunistang grupo.

Si Sison ay naging bahagi ng pagsisimula ng 4th round ng peace talks na ginaganap sa Noordijk sa The Netherlands.

Noong nakalipas na buwan ng Enero ay absent sa pagsasara ng 3rd round ng peace talk sa Rome, Italy si Sison dahil sa kanyang karamdaman na hindi naman isinapubliko ang detalye.

Kahapon ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan niya ng seguridad si Sison para makauwi ng bansa dahil sa umano ay kanyang karamdaman.

Sinabi rin ng pangulo na handa niyang sagutin ang personal na gastos ng lider komunista basta’t makauwi lamang ito sa bansa.

Read more...