Machine guns at bazooka pantapat ni Duterte sa grupong Kadamay

Kadamay Pandi
Inquirer file photo

Limang M60 Machine Gun at Bazooka ang ipatitikim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kadamay sakaling lusubing muli ang panibagong pabahay na ipatatayo sa mga pulis at sundalo.

Ayon sa pangulo, dahil sa pagiging mahirap, pinagpasensyahan na niya ang Kadamay nang agawin ang pabahay sa Pandi Bulacan na para sana sa mga pulis at sundalo.

Babala ng pangulo sa Kadamay, huwag nang ulitin ang pang-aagaw ng pabahay dahil oras na lumusob ulit ang militanteng grupo hindi siya mag-aatubili na gumamit na ng pwersa at paputukan na ang mga ito.

Nakakasuya na aniya ang nabanggit na grupo kaya’t huwag magkamaling gumawa ng panibagong pananakop. Ayon sa pangulo, anarkiya na ang ginagawa ng grupong Kadamay.

Nangako naman ang pangulo na sa buwan ng Disyembre ay sisimula na ang pagpapatayo sa mga bahay na ilalaan para sa mga miyembro ng PNP at AFP sa Pandi, Bulacan.

Read more...