Ayon kay Dong Malonzo, OIC Rizal Provincial Housing & Resettlement Division, ginawa ang hakbang upang huwag mangyari ang naganap sa Pandi, Bulacan na pwersahan inukopa ng mga miyembro ng Kadamay ang mga pabahay ng gobyerno sa mga kagawad ng PNP, AFP at BJMP.
Ayon pa kay Malonzo bantay sarado at mahigpit anya ang kanilang monitoring sa mga pabahay sa mga naturang bayan upang hindi mapasok ng mga Kadamay.
Kasabay ang patuloy na pakikipag-usap anya nila sa NHA para makalipat na ang mga lehitimong aplikante ng pabahay, at makasuhan ang mga housing awardees na may paglabag sa kontrata sa NHA.
Matatandaan noong martes inanunsyo ni Pangulo Rodrigo Duterte sa pagharap niya sa anniversary ng Philippine Army na ibibigay na lamang niya sa mga myembro ng Kadamay ang pinasok nilang housing units sa Pandi Bulacan.