Amyenda sa pondo ng housing program, kinatigan ng pinuno ng House Appropriations Committee

pandi housingSuportado ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles ang planong pag-amyenda sa General Appropriations Act o GAA, kung saan nakapaloob ang pondo para sa housing units sa Pandi, Bulacan.

Marami sa mga pabahay sa Pandi ay matatandaang inokupa ng mga miyembro ng Kadamay.

At kamakailan ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipauubaya na sa mga miyembro ng Kadamay ang pabahay na kanilang inangkin.

Ayon kay Nograles, sa kanyang pagkaka-alam ay nasa ilalim ng 2014 GAA ang housing program para mga benepisyaryo mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penelogy at Bureau of Corrections.

Sinabi ni Nograles na hihintayin niya ang panukala ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez, upang mapag-aralan ang posibleng kinakailangang amyenda sa GAA at para maiwasan ang anumang kwestiyon.

Tama aniya si Benitez na pwedeng ma-technical malversation ang pamahalaan kapag hindi naayos ang GAA.

Dagdag ni Nograles, maaaring mag-isyu ng isang executive order o EO si Pangulong Duterte na magbabago sa listahan ng beneficiaries ng housing units sa Pandi, Bulacan.

Huwag din aniya mag-alala ang mga pulis at sundalong benepisyaryo ng pabahay, dahil mismong si Presidente Duterte ang nagsabi na may iba pang housing units na ilalaan sa kanila ang gobyerno.

Read more...