Sen. Ejercito: Hindi ‘magician’ si Pangulong Duterte

JV EIpinagtanggol ni Senador JV Ejercito si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng pagbaba ng trust ratings nito batay sa pinakahuling Pulse Asia survey.

Sinabi ni ejercito na hindi naman ‘magician’ si Duterte para masolusyonan ang pangunahing suliranin ng bansa sa loob ng maiksing panahon.

Naniniwala si Ejercito na normal lamang na bumababa ang trust ratings ng mga pangulo habang tumatagal. Dagdag niya, mahirap ding mapanatili ang nauna nang napakataas na rating ni Duterte, lalo na sa gitna ng mga tumutuligsa sa pangulo.

Ipinahayag din ni Ejercito na maganda pa rin ang resulta ng walo sa 10 Pilipino ang nagtitiwala kay Pangulong Duterte.

Read more...