Hanging amihan at tail-end of cold front, nakakaapekto pa rin sa bansa

pagasa
PAGASA Website

Bagaman opisyal nang idineklara ng Pagasa ang panahon ng tag-init, nakaapekto pa rin sa Northern at Central Luzon ang hanging amihan, habang tail-end of cold front naman ang nakaapekto sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kasamang mahihina hanggang katamtamang pag-ulan at isolated thunderstorms ang Mindanao, Eastern at Central Visayas.

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan, Cordillera, at Central Luzon.

Hanggang maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan din ang mararanasan sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa.

Read more...