11 sugatan matapos tumagilid ang double decker tram sa Hong Kong

AFP tumagilid ang double decker tram sa Hong Kong
AFP Photo

Sugatan ang labingisang tao nang tumagilid ang double decker tram sa Hong Kong.

Haganap ang aksidente pasado hatinggabi ng Miyerkules (April 5).

Minor injuries ang natamo ng anim na lalaki at limang babae, ayon sa mga otoridad. Ilan sa mga biktima ang dinala sa ospital.

Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng pagtagilid ng tram, ngunit batay sa isang ulat, posibleng nawalan ng kontrol sa tram ang driver.

Read more...