Ayon sa pangulo, ito ay dahil sa hindi niya talaga patatawarin ang mga mapang-abusong tauhan ng gobyerno sa mga pasahero sa airport lalo na sa mga overseas filipino workers (OFWs).
Sinabi pa ng pangulo na kapag nagkamali ang isang tauhan ng BOC, BI at aviation police, lahat sila ay sisibakin kasama na ang supervisor.
“At saka may naririnig pa ako sa Immigration. Sabi ko sa kanila, magkamali ang isa diyan, supervisor, lahat, alis. O isang window diyan nagkamali, anim, tapos naghingi o nag-ano, alis kayong lahat. , ”ani ng Pangulo.
Ayon sa pangulo, dapat magsama-sama ang mga tiwaling opisyal ng aviation police, BI at BOC sa mga police scalawags na una nang itinapon ng pangulo sa Jolo at Basilan.
“So with the police, so with everybody there. Wala kayong patawad lahat, doon kayo sa Jolo. Kasama kayo doon sa mga pulis na g*** p***** i** nandoon sa Basilan. Wala akong pasenya diyan, ”ani ng Pangulo.
Payo pa ng pangulo sa mga BI, BOC at aviation police, hindi na baleng biktimahin ang mga mayayaman o ang mga oligarch basta’t huwag lang biktimahin ang mga ofw.