Bukod sa pagkabilanggo pinagbabayad din ng Sandiganbayan si Kam ng mahigit sa 18-libong pisong multa.
Lumitaw sa imbestigasyon ng Ombudsman na nabigo si Kam na ibalik ang dalawang piraso ng baril at isang unit ng motorsiklo matapos bumaba sa pwesto.
Sa 16-na pahinang desisyon sinabi ng Sandiganbayan na lumitaw sa masusing eksaminasyon na si Kam mismo ang nakapirma sa kinukuwestyong Memorandum Receipts.
Ito ang nagpalakas sa claim ng prosekusyon na nasa pag-iingat pa rin ni Kam ang hindi nito ibinalik mga baril at motorsiklo sa kabila ng ipinadala sa kanyang demand letter.