DPWH, may paalala sa mga contractors na biglang umaatras sa kanilang mga proyekto

INQUIRER file photo
INQUIRER file photo

Pinaalalahanan ng Department of Public Works and Highways ang kanilang mga contractors na hindi nila basta na lang maaring ihinto ang kanilang mga proyekto dahil sa panggugulo ng New People’s Army.

Ayon kay DPWH regional construction division chief Jose Tobias Jr., kailangan muna nilang aprubahan ang suspensyon ng mga proyekto.

Ito’y matapos itigil ng mga contractors ang kanilang mga proyekto matapos atakihin ng NPA ang tatlong proyekto sa Isabela, Quirino at Cagayan nitong nagdaang linggo.

Aniya, maari namang hilingin ng mga ito na ihinto na ang proyekto, ngunit kailangan muna nilang siyasatin kung papayagan nila ito.

Noong March 25, ninakawan ng mga rebeldeng NPA ang mga manggagawa ng RD Interior Construction na gumagawa sa isang tulay sa Cabagan, Isabela.

Pagdating naman ng March 26, sinunog ng mga rebelde ang isang backhoe excavator na ginagamit ng parehong kumpanya sa isa pang ginagawang tulay sa Maddela, Quirino.

Sa parehong araw ay sinunog naman ng mga rebelde ang dalawang backhoe, isang compactor at mini truck na ginagamit ng Pulsar Construction Corp. sa pagkukumpuni ng Alcala-Baggao Road.

Read more...