Residential-commercial area, nasunog sa Sampaloc, Maynila

sunog sa sampaloc maynila 2nd alarm
Kuha ni Cyrille Cupino

Nasunog ang isang residential-commercial building sa Earnshaw corner Fajardo St., Sampaloc, Maynila.

Nagsimula ang sunog alas-singko y medya ng madaling araw sa ikalawang palapag ng bahay.

Kwento ng boarder na si Erica Tomas, nagising na lamang sila nang makarinig ng sigaw at makaamoy ng usok mula sa kanilang kisame.

Agad umano siyang tumakbo palabas ng bahay, bitbit tangi ang kanyang anak at shoulder bag.

Kabilang sa mga nasunog ang 12 kwarto sa 2nd floor, isang welding shop at isang botika sa unang palapag.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire out alas-sais bente ng umaga.

Inaalam pa naman ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halagang tinupok ng apoy.

 

WATCH:

 

 

Read more...