Deadline para sa tax filing, pinalawig hanggang April 17

 

Iniurong na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa paghahain ng income tax returns o ITR.

Unang inanunsyo ng BIR na hanggang April 15 lamang ang deadline, na papatak ng Sabado de Gloria, pero pinalawig pa nila ito hanggang April 17, araw ng Lunes.

Ayon kay BIR Commissioner Cesar Dulay, bukas ang mga filing centers hanggang alas-5:00 ng hapon.

Dahil dito, nanawagan si Dulay sa mga taxpayers na huwag nang ipagpaliban pa ang paghahain ng ITR at magbayad na ng buwis sa oras.

Nagdagdag na rin anila sila ng mga filing centers kung saan maari nang gawin ang electronic filing ng pagbabayad ng buwis at pagfa-file ng ITR.

Paalala pa ni Dulay, may multang 20 percent interest per annum at 25 percent surcharge ang mga late na magfa-file.

Target ng BIR ngayong taon na makakolekta ng P1.829 trillion pesos, at positibo naman sila na maaabot nila ito.

Read more...