Pagbaba ng rating ni Duterte, normal lang-LP senator

 

Sinabi ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na walang kakaiba sa pagbaba sa ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Punto ni Pangilinan, ang mga bagong upong pangulo ng bansa ay inaasahan na mataas ang approval at trust ratings sa simula.

Aniya, natural lang din kung ang mga datos ay bababa sa paglipas ng panahon.

Kinilala ng senador na mataas pa rin ang ratings ni Pangulong Duterte bagamat umaasa siya na gagamitin ito para matugunan ang mga tunay na pangangailangan ng mamamayan.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Win Gatchalian na hindi maituturing na malaki ang limang porsiyentong pagbagsak ng ratings ng pangulo base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Katuwiran ni Gatchalian na nitong mga nakalipas na buwan ay kaliwa’t- kanan ang mga batikos kay Ginoong Duterte.

Sinabi pa ni Gatchalian na mataas pa rin ang pagtitiwala at suporta ng mas nakakarami sa ating mga kababayan sa ama ng bansa.

Read more...