Ito ay ganti sa unang pinalipad at pinasabog na rocket ng North Korea sa militar ng South Korea na nagpalala sa tensyon sa cross-border ng dalawang bansa.
Nagbigay ang North Korea ng isang ultimatum sa military hotline ng South Korea, kung saan mayroon lamang silang 48 oras upang tanggalin umano ang mga malalakas na loudspeakers na nagbibigay mensahe ukol sa aksyon ng militar.
Ang mensahe ay pinalabas ng Korean People’s Army general staff, at inaasahang hanggang alas singko ng hapon sa Sabado ang sinasabing kondisyon ng North Korea
Hindi madalas ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang bansa, dahil alam nila ang panganib na dulot ng mga pasabog, na maaaring magsimula ng isang malaking sigalot sa kanila.
Matapos ang pagpapasabog na ikinasugat ng dalawang miyembro ng South Korean border patrol sa simula ng buwan, at ang pagpapalabas ng malaking South Korea-US military exercise na ikinagalit ng Pyongyang, pinasabog ng South Korea ang North Korea.
Ayon sa defense ministry spokesperson, natagpuan ng South Korea ang isang rocket na pinasabog ng North Korea sa may kanlurang bahagi ng border, bandang alas kwatro ng hapon.
Ayon naman sa South’s Sonyap News Agency, bumagsak ang pinasabog na rocket sa mabundok na lugar malapit sa base militar sa Yeoncheon county, may 60 kilometro sa hilaga ng Seoul.
Nagbigay naman ng dose-dosenang pasabog ang South Korea, gamit ang 155mm shells, upang tamaan ang rocket launch site ng North Korea.
Sinabi din ng defense ministry ng South Korea na mas pinalakas ang kanilang militar bilang paghahanda sa anumang galaw ng North Korea.
Inilagay na sa mataas na alerto ang militar ng South Korea.
Sa isang emergency meeting ng National Security Council kasama ang Pangulo na si Park Geun-Hye, kailangang matibay at malakas ang anumang aksyong gagawin ng South Korea./Stanley Gajete