Batay sa latest weather map analysis at numerical model outputs makikita ang panunumbalik ng north pacific high pressure area. Ang pagbabago na ito sa pressure system at pagbabago ng ihip ng hangin ay indikasyon na nawala na ang hanging amihan.
Ayon sa Pagasa, asahan na sa mga susunod na araw ang mainit na lagay at tagtuyot na panahon dahil sa epekto ng high pressure area at easterlies.
Gayunman, ayon sa Pagasa may ilang lugar pa rin sa bansa lalo na sa silangan ng Luzon at Visayas ang makararanas ng manaka-naka pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
May pag-ulan ding mararansan sa katimugang bahagi ng bansa dulot naman ng inter tropical convergence zone o ITCZ.