Mga menor de edad na nasasangkot sa krimen, tutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno

menor de edad sangkot sa krimen
Twitter Photo / Mandaluyong Police

Nagkasundo ang maraming sektor na magtutulungan sa isang programa upang solusyunan ang tumataas na bilang ng mga batang menor de edad na nasasangkot sa kriminalidad.

Sa isang Memorandum of Agreement, nagkasundo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd), Department of Public Works and Highways (DPWH), Commission on Human Rights (CHR), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), National Youth Commission (NYC) at isang NGO na The Juvenile Justice and Welfare Council na pag-iibayuhin ang pagsagip sa mga kabataan na nasasangkot sa mga kriminalidad.

Dahil dito, isang gusali ang ipagagawa sa Camarines Norte at tatawaging ‘Bahay Pag-asa’ na pagtutulungan ng maraming sektor.

Ang Local Government ng CamSur sa katauhan ni Governor Edgardo Tallado ay magbibigay ng 10,000 square meter na lupa, habang ang DPWH ang magpapagawa ng gusali na nagkakahalaga ng 10 milyong piso.

Nais ng mga ito na ipasok sa ‘Bahay Pag-asa’ ang mga mentor de edad na nahuhuli ng ma awtoridad na kadalasang biktima ng mga krimen.

Ang ‘Bahay Pag-asa’ ay kahalintulad ng rehabilitation centers na layuning bigyan ng gabay ang mga bata na naliligaw ng landas.

Planing tapusin ng DPWH ang pagpapagawa ng ‘Bahay Pag-asa’ sa Camarines Norte bago matapos ang taong ito.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 81 ang naitayong ‘Bahay Pag-asa’ sa maraming probinsya habang aabot naman sa 33 ang naipatayo sa mga highly urbanized city.

Read more...