Trust, performance ratings ni Pangulong Duterte, bumaba

Pangulong duterte
PCO Photo

Bumaba ang trust at performance ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Marso 2017, base sa latest survey ng Pulse Asia.

Sa Ulat ng Bayan Survey ng Pulse Asia na inilabas ngayong April 5, 2017… 76% ang trust ratings ng presidente sa unang quarter ng 2017, na pitong puntos na mababa kumpara sa 83% na naitala noong December 2016.

Pinakamataas ang naitalang trust ratings ni Duterte sa Mindanao sa 90%; habang 74% sa NCR; 67% sa Luzon; at 84% sa Visayas.

Kung socio-ecomic class ang pag-uusapan, nakakuha si Duterte ng trust ratings na 84% mula sa Class ABC; 76% mula sa Class D; at 74% mula sa Class E.

Pagdating naman sa performance, mula sa 83% na naitala noong December 2016, bumaba sa 78% ang ratings ng punong ehekutibo ngayong Marso.

Sa tala ng Pulse Asia, 73% ng mga taga-NCR ang aprub sa performance ng punong ehekutibo; 71% sa Luzon; 86% sa Visayas; at 88% sa Mindanao.

At batay sa socio-ecomic class, 86% ang nakuha ni Duterte mula sa class ABC; 78% mula sa Class D; at 77% mula sa Class E.

Ginawa ang latest survey noong March 15 hanggang 20, kung saan 1,200 ang respondents na mula 18 years old pataas ang edad.

Read more...